Tibay ng Pinoy IX uupak na bukas

SASALANG na sina Jay-ar “The Hitman” Inson, reigning International Boxing Federation (IBF) World Youth flyweight champion Aston Palicte at IBF Asia-Pacific at Philippine junior welterweight champion Adones Cabalquinto sa timbangan ngayong umaga para sa ang opisyal na weigh-in ng Tibay ng Pinoy IX: Duel in Davao na gaganapin sa sa SM Davao Annex sa Davao City.

Ang Tibay ng Pinoy IX: Duel in Davao ay isasagawa bukas, Agosto 14, sa SM Davao Annex.
Matapos ang weigh-in, susundan ito ng press conference kasama ang sports media.

“Almost all of the boxers from the MP Stable have made their weight limits already,” sabi ni boxing promoter Joven Jimenez.

Makakasagupa ng walang talong si Inson ang dating World Boxing Organization (WBO) Asia-Pacific super featherweight champion na si Victor Mausol ng Indonesia sa loob ng 12 rounds sa kanilang sagupaan sa 135 lbs division para sa bakanteng WBO Orient interim lightweight crown.

Makakaharap naman ni Palicte si Fernando “Batang Bato” Ocon sa isang 10-round non-title bout sa kanilang 116 lbs division matchup.

Si Cabalquinto ay makakasukatan si RJ “Sharp” Anoos sa isang rematch sa kanilang 10-round, 141 lbs division bout.

Ang Tibay ng Pinoy IX fight card ay bukas naman sa publiko at ito ay magkakaroon ng kabuuang limang 10-rounders, dalawang 8-rounders at tatlong 4-rounders.

Ito ay suportado ng SM Mall of Davao, The Royal Mandaya Hotel, Gatorade, Sting, Pepsi, South Coast Mitsubishi, Cerritos Mitsubishi at pamahalaang lungsod ng Davao.

Samantala, dumating na sina WBO Asia-Pacific chairman Leon Panoncillo at international boxing referee Danrex Tapdasan sa Davao City.

Ang nakabase sa Hawaii na si Panoncillo ay irerepresenta ang WBO habang si Tapdasan, na isa ring abogado, ang magsisilbing third man sa loob ng ring para sa Inson-Mausol bout.

“Dala po ni Sir Leon (Panoncillo) ang golden belt na paglalabanan nila Inson at Mausol,” sabi ni Jimenez.

Read more...