Japanese porn star galit na galit sa pag-atras ni Robin sa 2015 MMFF

maria asawa
NAIMBIYERNA raw si Maria Ozawa over the cancellation of her movie with Robin Padilla.

As reported by a Facebook fan page account, Maria fumed over the cancellation and made public her anger via social media when she posted this message, “It’s not that I really wanted to film w/ Robin but I think it was so unprofessional to call it off 10 days before the shooting starts…I feel sorry for the film director, staff, etc.”

Hindi na matutuloy ang pelikula nina Robin at Maria na intended for the Metro Manila Film Festival. Nagpasya kasi si Robin na tututukan niya ang pagbubuntis ng asawa niyang si Mariel Rodriguez lalo pa’t posibleng maging triplets ang kanilang babies.

Excited si Robin sa pagbubuntis ni Mariel dahil nga posibleng hindi lang kambal ang kanyang isilang kundi baka tatlong baby pa. Matatandaan na nakunan si Mariel noon kaya naman nanlumo ang action star.

Bakit ba hindi maintindihan ni Maria ang rason ni Robin sa pagkansela ng movie niya? Hindi ba niya naiintindihan ang kalagayan ng asawa ni Robin? O baka naman asang-asa na siyang tuluy-tuloy na ang showbiz career niya rito sa Pili- pinas kaya affected much siya?

Anyway, totoo nga kayang si Maria ang nag-post ng message na ‘yon?

Read more...