Marian gustong-gustong kasama si Ai Ai pag kumakain

marian rivera

NAIIBANG palabas ang ipinamalas ng bagong comedy variety show ng nag-iisang Comedy Queen Ai Ai delas Alas na Sunday PinaSaya sa GMA7 last Sunday. Mabuti na lang we decided to watch the show personally sa Studio 7 ng GMA.

Aliw na aliw kami sa limang sketches na ginawa hindi lang ni Ai Ai kundi ng iba pa niyang kasama sa show. Sakto ang storyline ng mga sketches na mas pinasaya ng mga super nakakatawang comedians and theater actors.

Napa-“ah, kaya pala naman” na lang kami when we saw sa floor ang mahusay na comedy writer and comedy bar scion na si Andrew “Mamu” de Real.

Si Mamu pala ang headwriter ng sketches at sinamahan ng mga fresh and talented theater writers. At bukod sa kanila, sandamakmak ang masisipag na staff ang kinuha ng APT Entertainment para buuin ang kanilang programa.

Na-amaze kami sa paglalagay at pagbaklas ng set design during commercial gap. Live show ‘yun at hindi lang isang beses nagbabaklas at naglalagay ng props sa stage, huh!

At hindi lang ang sketches ang may set design, every time may production number gaya ng ginawa ni Ai Ai na mala-Vilma Santos sa dati niyang musical program na VIP at Vilma, ang spot number ng international singer na si Jessica Sanchez, hanggang sa duet nila ni Christian Bautista, kitang-kita na ginastusan ang production design sa stage.

Now we know kung bakit kinailangan sa show ang batikang theater actors na sina Joey Paras at Jerald Napoles. Kailangan talaga ng tulad nila na makakasabay sa presensya ng Comedy Queen at ng tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola sa mga sketches.

Or else, mawa-waley ang mga eksena. Nahilo si Wally sa ilang beses na pagsampal sa kanya ng isa sa mga surprise guests sa show, ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Ang isa pang sorpresa ay ang pag-apir at pagbati ni Dingdong Dantes sa misis niyang si Marian Rivera na nag-celebrate rin ng kanyang kaarawan sa show.

Sakto rin ang paglalagay sa show ng mga batang Kapuso stars gaya nina Julie Anne San Jose, Barbie Forteza at Janine Gutierrez. And of course, ang napakainit ngayong si Alden Richards.

Grabe ang tilian sa loob ng Studio 7 ng GMA tuwing la- labas si Alden sa stage. Nagsimulang umere ang Sunday PinaSaya at exactly 12 noon.

Natapos sila at around 2:40. Sabi ng GMA 7 executive na si Marivin Arayata na nakasalubong namin sa dressing room nina Ai Ai at Marian, ‘yung excess daw na 10 minutes ay para sa promo na tinatapos lang nila from the previous show na pinalitan ng Sunday PinaSaya.

Pilot episode pa lang ramdam na ang pagdagsa ng commercial load sa show. Ayon kay Ai Ai na ini-report lang din sa kanya, may 40 minutes commercial load ang show nila last Sunday.

Kaya kung tutuusin, may one and half hours, more or less, lang ang body ng show. After the live show, pinagbigyan kami ni Ai Ai na makausap siya sa dressing room.

Feeling niya, parang nanganak daw ulit siya, “Parang ‘yung tatlong anak ko nabuhay na naman,” bungad ni Ai Ai.

Hindi ine-expect ni Ai Ai na mage-gets ng audience ang comedy skits nila sa show especially ‘yung sa kanila ni Joey na siyang pambuena mano.

Klik ang karakter ni Ai Ai bilang bagong yaman na si Lady Dai at si Joey naman as fairy gover­ness na si Phobe na mas matalino pa sa kanyang amo who speaks in a British accent.

“Crucial ‘yun, e. Kasi ako ‘yung umpisa. Kailangan hatawin ko ‘yun. Saka niloloko ako ni Joey. Sabi ko sa kanya, ‘O, Joey, ha, ganito, ganyan ang gawin natin.’ Syempre, stressed na stressed ako.

Sabi niya, ‘Syempre, ikaw ang Comedy Queen.’ Ikaw ang bahala sa akin.’ Lalo na akong na-tense. Ha-hahaha!” Isa raw sa mga unang bumati kay Ai Ai para sa success ng show ay si Willie Revillame, “Sabi niya, ‘Congratulations, ang saya-saya ng show.’ Ibang-iba.’

Saka kasi natural lahat, e. Hindi pini-fake.” Vibes na vibes din daw sila ni Marian. Mahal na mahal daw nila ang isa’t isa, “Ilang araw kaming nag-rehearse, one week din.

Kagabi nag-rehearse rin kami. Kapag kakain siya gusto niya kasama ako. Pero hindi ako kumain sa stress ko, ‘Day. Kasi ta-tumbling ako, e,” sabi ni Ai Ai.

Sa positive feedbacks na natanggap ni Ai Ai para sa pilot episode ng Sunday PinaSaya, handa na rin siya sa iba pang mga comments.

“Oo naman, palagi ‘yan, e. Sanay na ako sa ganyan. Ako pa ba? Diyos ko! Na-survive ko nga ‘yung lovelife ko ng maraming beses, e.

Ngayon pa ba ako maaapektuhan, hello?! Saka 25 years (na ako sa showbiz), maaapakeuthan pa ba ako? Blessing ‘yun,” aniya.

Read more...