Robin Padilla nag-sorry na kay Maria Ozawa

HUMINGI na ng paumanhin si Robin Padilla sa Japanese porn star na si Maria Ozawa dahil sa pag-atras niya sa Metro Manila Film Festival entry na “Nilalang”.
Nag-private message na ang action star kay Maria at personal itong humingi ng paumanhin dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
Muli ay ipinaliwanag daw ni Robin sa aktres kung bakit kinailangan niyang unahin ang pag-aalaga sa buntis na asawang si Mariel Rodriguez.
Sa kanyang Instagram status kanina, nag-post si Binoe ng maikling mensahe para sa Japanese actress, “Mydeepestapologytomsmariaozawa” o “My deepest apology to Ms Maria Ozawa.”
Kahit ang talent manager ni Robin na si Betchay Vidanes ay nagsabing inamin na ng aktor na may pagkakamali rin siya sa nangyari kaya nga nag-apologize na ito.
Pero ayon kay Robin, handa pa rin siyang gawin ang “Nilalang” kahit hindi na pang-MMFF, kapag nasiguro na niyang maayos ang kundisyon ni Mariel hanggang sa makapanganak ito sa kanilang triplets.

 

Read more...