Nahuli na ang Quezon City Police ang driver ng Valisno bus na bumangga sa konkretong marker na ikinasawi ng apat katao at ikinasugat ng 30 iba pa kahapon ng umaga.
Naaresto si George Pacis sa bahay ng kanyang tatay sa Balagtas, Bulacan.
Ayon kay SPO1 Ferdinand Paglinawan hindi na nanlaban ang suspek ng makita ang mga pulis.
Kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and serious physical injuries ang isasampa sa suspek.
Nakipagtulungan umano ang management ng Valisno bus kaya agad na natunton ang kinaroroonan ng suspek.
Patungo sa San Jose del Monte, Bulacan ang bus (TXV 715) ng bumangga ito sa concrete marker sa boundary ng Quezon City at Caloocan City, sa Quirino Highway alas-7:20 ng umaga.
30
MOST READ
LATEST STORIES