Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.8 ang Davao City kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:56 ng umaga.
Ang sentro ng lindol ay natunton siyam na kilometro sa kanluran ng Davao City. May lalim itong 61 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagresulta ito sa Intensity III paggalaw sa Davao City.
MOST READ
LATEST STORIES