Misis hinostage, pinatay sa saksak sa Olongapo City

PATAY ang isang 38-taong-gulang na asawa matapos siyang i-hostage at 15 ulit na pagsasaksakin ng kanyang kabiyak sa loob ng kanilang bahay sa Olongapo City.

Sinabi ni Olongapo City councilor Jong Cortez na dead on arrival ang biktima na si Marivic Villanueva-Rodriguez matapos na isugod sa James Gordon Memorial Hospital.

Idinagdag ni Cortez na may saksak din sa tiyan ang suspek na si Victor Rodriguez, na pinaniniwalaang self-inflicted.

“Itinawag po ng mga kaanak nila ‘yung insidente, at nang rumesponde po ang mga pulis, nasaksak na ni Victor ang asawa niya. Napakiusapan din naman siyang sumuko, at nasa ospital din ngayon ang suspek kasi may isang saksak din siya,” sabi ni Cortez.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Olongapo City Police, lumalabas na isang buwan nang nagkukulong ang suspek sa loob ng kanilang bahay sa 1946 Purok Uno, Mactan, Barangay Old Balara dahil may humanting umano sa kanya. Inquirer.net

Read more...