GMA humirit na muling makapunta sa burol at libing ng kapatid | Bandera

GMA humirit na muling makapunta sa burol at libing ng kapatid

Leifbilly Begas - August 12, 2015 - 02:59 PM

GMA

GMA


Naghain ng mosyon si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo upang madagdagan ang araw ng pagpunta niya sa burol at makadalo sa libing ng kanyang kapatid. \
Sa kanyang tatlong pahinang mosyon, hiniling ni Arroyo sa Sandiganbayan First Division na payagan siyang makapunta sa burol ngayong araw mula alas-4 ng hapon hanggang 8 ng gabi. Sa desisyon ng korte, pinayagan lamang nito si Arroyo na pumunta sa burol noong Martes, kahapon at sa Biyernes.
“She lost the opportunity to see him alive one last time when he passed away in the morning of August 10. She was a few hours too late. She could not be there for him in the last few days of his life. She is hoping to be there for him for four additional hours in his death,”saad ng mosyon. “An extra day (an additional four hours) in the company of family in this moment of bereavement will help assuage the terrible pain of losing a brother to a terrible illness.”
Hiniling din niya na makapunta sa libing sa Heritage Park sa Taguig sa Sabado mula alas-9 ng umaga hanggang 2 ng hapon. Nais din niyang makadalo sa pa-siyam ng kanyang kapatid na si Arturo dela Rosa Macapagal sa Agosto 19 mula alas-6 ng gabi sa no. 15 Avocado st., Valle Verde I, Pasig City. Pinagsusumite ng korte ang prosekusyon ng komento sa mosyong ito bago magdesisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending