PINATULAN ni Robin Padilla ang umano’y post sa social media ng Japanese porn star na si Maria Ozawa na tila galit na galit sa ginawang pag-atras ng aktor sa kanilang nakatakdang MMFF movie.
Sa kanyang patutsada na ipinost niya sa kanyang Instagram account, sinabi ni Binoe na mas pinahahalagahan niya ang kanyang misis kaysa kanino at ano pa man.
Nag-post siya ng isang kaha ng sigarilyo na may caption mula sa Hollywood film na The Godfather: “A Man who does not spend time with his family can never be a real Man. — Vito Corleone. The Health Warning has nothing to do with Vito Corleone, i chose CHE Cigarette to be my smokes in the Movie “Nilalang”, my character Tony is a chain smoker.”
Una nang nagpasaring si Ozawa sa aktor sa pagiging unprofessional umano nito matapos atrasan ang gagawin sana nilang movie na sisimulan na sana ngayong buwan.
MOST READ
LATEST STORIES