WALA pang desisyon ang Nationalist People’s Coalition kung sino ang susuportahang kandidato sa 2016 presidential elections.
Ito ang obserbasyon ng iilan makaraang makipagpulong ang mga kongresistang miyembro ng NPC kay Interior Sec. Mar Roxas sa Balay Cubao Expo, Quezon City.
Kamakailan ay sinabi ni NPC acting president at Isabela Rep. Giorgidi Aggabao na susuportahan ng partido si Sen. Grace Poe at Sen. Francis Escudero kapag nagdeklara na ang mga ito.
Ani Batangas Rep. Mark Llandro Mendoza, secretary general ng NPC, na bukas sila sa lahat ng posibilidad at nakikipag-usap sa mga posibleng kandidato.
“Meron pa rin kaming on going consultation with our members, open pa naman, kapag nagkaroon na kami ng consensus sa NPC we will announce kung sino ang susuportahan ng party,” ani Mendoza.
NPC di pa sigurado sa Poe-Chiz; Mar may pag-asa pa
READ NEXT
Japanese porn star Maria Ozawa galit na galit daw sa pag-atras ni Robin sa 2015 MMFF movie nila
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...