Natatakot na baka hindi na magka-GF

MORNING po, Manang Pher and tropa.

Hingi po sana ako ng advice. Ako si Junmark, 26 years old at taga-Butuan City.

May GF ako noon pero hiwalay na kami. Six months na kaming hiwalay.

Gusto ko sanang magka-GF ulit kasi masarap at masaya kapag may nagmamahal sa iyo. Makakahanap ba ako uli ng GF na magmamahal sa akin?

Junmark, Butuan City
Hi Junmark ng Butuan! Salamat sa pagdulog mo sa iyong mga ka-tropa.

Isang malaking OO NAMAN ang sagot ko sa tanong mo. You had a GF before and I’m sure you can have another one whom you will love and cherish and vice versa.

Just keep an open mind at be positive. Sigurado ako na mayroon pang taong dadating sa buhay mo na magbabalik uli ng sigla’t saya.

Kung ikaw ay presentable, masipag, mabu-ting tao, may pagpapahalaga sa iyong dangal, masayahin, positibo at mapagkumbaba, walang babaeng hindi ka mapapansin at maaaring ma-attract sa iyo. Good luck, Junmark and God bless!
Payo ng tropa:

Hello Junmark,

Twenty six years old ka pa lang naman, bata ka pa. Hindi ka naman pangit siguro kasi may naging GF ka na.

Don’t bother too much sa kakaisip kung magkaka- GF ka ulit at wag masyadong magmadali sa paghahanap, mas magandang ihanda mo muna ang sarili mo.

Focus ka muna sa work mo at pagbutihin mo pang lalo para kung dumating man ang bagong magbibigay ng kulay sa buhay mo ay paniguradong handang-handa ka na.

Be confident always and smile-smile rin. (Alright, rock and roll to the world).
Ate Jenny

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...