Vice sa mga bading: Tingnan natin kung kaya pa nila tayong apihin!!!

VICE GANDA

VICE GANDA

Pinaligaya ang mga bekis sa isang gabi ng star-studded production numbers at mga inspirational messages mula sa ilan sa mga pinakarespetadong gay icons at liders ng bansa.

Sina Arnell Ignacio, Chokoleit at Rufa Mae Quinto ang nagsilbing host sa main event. Ilan sa mga highlights ng gabi ay isang sorpresa at rare performance ng Diamond Star na si Maricel Soriano; ang pinag-uusapan pa ring special appearance ng international online sensation na si Maria Sofia Love; isang high-energy medley mula kay Anne Curtis; si Martin Nievera naman ang humarana sa mga transgender beauty queens; at isang moving rendition ng mga awiting tungkol sa empowerment mula kay Vice Ganda na tinapos ang gabi sa isang powerful speech na humikayat sa mga beki na mahalin ang kanilang mga sarili at siguraduhing maririnig ang kanilang mga boses.

Ang iba pang mga artistang sumuporta sa event ay ang mga stars na sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, Elmo Magalona, Megan Young, JayR at Kris Lawrence. Ang mga komedyanteng kumiliti sa mga delegado ay sina KitKat, Negi at Lassy.

Ang mga power singers na sina Dulce, Donita Nose, KZ Tandingan, Frenchie Dy, Klarisse de Guzman, Leah Patricio, Anton Diva, Gerphil Flores at Mis Tres ay bimirit naman sa Big Dome. Umawit ng love songs sina Bradley Holmes, Jason Fernandez, Daryll Ong at Jason Dy.

Binuksan ng El Gamma Penumbra at Buganda ang show kasama ang mga lokal na transgender beauty queens mula sa iba’t ibang panig ng Luzon. Nagsigawan at nagsayawan naman ang mga tao sa pagtatanghal ng Masculados Dos, Tondo Machos at Zeus Collins. Nagbigay naman ng inspirational talks tungkol sa gay empowerment sina Bemz Bendito, Danton Remoto at Rica Paras ng Ang Ladlad.

Nagsalita rin ang ang negosyanteng si Joel Cruz at ang fashion designer na si Renee Salud.

Dumalo rin sa event ang co-authors ng Anti-Discrimination Bill, na sina Rep. Leni Robredo at Rep. Kaka Bag-ao.

Samantala, tumatak naman sa lahat baki sa Big Dome ang iniwang mensahe ni Vice bago matapos ang show na talagang tumagos sa puso ng lahat, aniya, “This is now. This is so now. Bakit ngayon lang naganap ito? Ngayon dinig na nila ang ating tinig. Tingnan natin kung kaya pa nila tayong apihin,” ang sabi ni Vice sa mga nagsisigawang beki.

Ang KeriBeks ay sinuportahan ng San Miguel, Aficionado, AMA, ATC Healthcare, McDonald’s, IMG, Capsinesis, Frontrow, Belo, MET, Novuhair at Lumina.

Read more...