GOOD day, Madam!
I’m Karen Kaye Cruz of San Pedro, Laguna. Kaga-graduate ko lang po ng B.S. Biology last March but until now wala pa rin akong job. May maitutulong po ba ang DOLE sa concern ko? Please help.
Thanks po,
Karen
REPLY: Congratulations Karen dahil nakatapos ka na ng kursong B.S. Biology.
Hindi lamang ikaw Karen ang may ganyang problema na matapos maka-graduate sa kolehiyo ay wala pang trabaho.
Libu-libo pang nagsipagtapos sa kolehiyo ang walang trabaho at kasalukuyan pa rin na naghahanap na mabigyan ng oportunidad na makahanap at matanggap sa trabaho.
Pinapayuhan ka namin na bumisita sa website na PHIL-JobNet, ang official Job Portal ng Philippine government.
Sa pamamagitan nito ay tiyak na madali kang makakita ng trabaho na akma para sa kursong natapos mo.
Ang Phil-JobNet ay isang internet-based job and applicant matching system upang matulu-ngan ang mga jobseekers lalo na ang mga fresh graduate na makahanap ng trabaho. Ito ay isang facility ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may centralized database na pinangangasiwaan ng Bureau of Local Employment (BLE).
Bukod dito, nagpakalat na rin ang DOLE ng mga job search kiosks para mas madaling makahanap ng trabaho ang mga fresh graduates.
Ang Job Search Kiosks ay isang information portal na parang ATM-type stand alone equiptment na nagbibigay ng impormasyon para sa pangangailangan sa trabaho sa local at overseas at iba pang employment-related information.
Sa ngayon ay matatagpuan ang mga Job Search Kiosks (JSK’s) sa lahat ng DOLE offices, bureaus at iba pang attached agencies gaya ng TESDA, PRC at POEA.
Sana sa pamamagitan nito ay makahanap ka na ng trabaho.
Dir Nicon Fameronag
DOLE Director
For Communications/
Spokesperson
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.