Makapag-aabroad ba? (2)

Sulat mula kay Jasmine Savana, Bucana,  Davao City
Problema:
1. High school graduate lang ako habang ang mister ko naman ay isang construction worker lang at may tatlo kaming anak na maliliit pa. Sa ngayon ay kung hindi kami mangungutang ay kulang na kulang ang sinusuweldo ko bilang saleslady sa isang department store. Balak ko sanang mag-abroad para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking mga anak at payag naman ang mister ko sa binabalak kong ito. Ang nais ko lang malaman ay kung makapag-abroad ba ako?

2. Sa kasalukuyan ay nag-aayos na ako ng mga papeles at sa Kuwait ako nag-apply bilang D.H. Itatanong ko lang kung may maganda kayang kapalaran naghihintay sa akin sa Kuwait kahit na Arabo lang yata ang magiging amo ko kaya minsan ay natatakot at kinakabahan din ako? Sana maanalisa mo ang kapalaran ko para mapayapa na ang isipan ko. September 14, 1983 ang birthday ko.

Umaasa,
Jasmine ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing sa susunod na taon, tulad ng nasabi na sa Cartomancy, sa buwan ng Enero o kaya’y Pebrero ay may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan.

Numerology:

Ang birth date mong 14 ay nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka sa isang bansa na sakop din ng Middle East siguradong mapupunta ka at magtutuloy-tuloy na ang iyong suwerte hanggang sa kusa nang umunlad at sumagana ang inyong kabuhayan. At sa bandang huli ay mabibigyan mo na rin ng magandang kinabukasan ang inyong mga anak.

Luscher Color Test:

Upang lalo kang palarin lalo na sa panahong nasa ibang bansa ka na lagi kang magsuot ng silver na alahas at kulay na gray, silver at puti at puwede rin ang powder blue at metallic blue. Ang nasabing mga kulay ang hihigop ng marami pang suwerte at magagandang kapalaran.

Huling payo at paalala:

Jasmine, ayon sa iyong kapalaran, konting lakas ng loob lang ang kailangan at makikita mo basta’t tinuloy-tuloy mo ang pag-aaplay sa taong ito ng 2015 para ikaw ay makapangibang-bansa, kusa nang isasaayos ng kapalaran ang iyong karanasan. Pero imbes na sa Kuwait ka matuloy ay sa Dubai ka mapupunta. Ito ay magaganap sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Enero o kaya’y Pebrero sa edad mong 32 pataas. Ang nasabing pangingibang-bansa ang siya na ring magiging simula upang tuloy-tuloy mong maiahon sa kahirapan ang iyong pamilya at mabigyan ng magandang kinabuksan ang iyong mga anak.

Read more...