Xian Lim umaming selosong boyfriend; Kim Chiu pinilit ni Kris na maging kabit

KIM CHIU AT XIAN LIM

KIM CHIU AT XIAN LIM

INAMIN ni Xian Lim na seloso siyang boyfriend. Feeling niya, natural lang naman sa isang lalaki ang magselos.

Sa episode ng Kris TV kahapon ng umaga, special guest ni Kris Aquino sina Xian at Kim Chiu, at dito nga nila inihayag ang ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon.

Ayon kay Kim, pareho lang daw sila ni Xian na jealous type, at naniniwala rin ang Kapamilya Teleserye Princess na natural lang sa isang tao ang makaramdam ng selos, lalo na kung mahal na mahal mo yung tao.

“Feeling ko naman ate (Kris), normal lang yung nagseselos sa mga babae, di ba?” ang balik-tanong ni Kim kay Tetay na sinang-ayunan naman ng TV host-actress.

In fairness, kahit hindi pa rin maamin-amin nina Xian at Kim na magdyowa na sila, reading between the lines, mukhang totoong sila na. Lalo na nu’ng aminin ni Xian na todo effort talaga siya para mapalapit nang husto sa pamilya ni Kim.

Ayon naman sa aktres, kahit siya ay close na rin sa mommy at lola ni Xian, sa katunayan, kapag may chance ay nireregaluhan niya ang nanay ng binata ng cake at patries, “Yun kasi ang favorite ni tita. Kaya kapag nagkikita kami, yun ang ibinibigay ko.”

Samantala, inamin ni Kris na siya ang kumumbinsi kay Kim na tanggapin ang role na kabit sa pelikulang “Etiquette for Mistresses” kung saan makakasama rin nila si Claudine Barretto.

“Sinabi ko kay Kimmy gawin mo ito kasi may powerful message ito sa kabataan na kapag papasukin mo ang ganitong klaseng buhay, be prepared for the consequences and seriously there are very big consequences,” chika ni Kris.

Dagdag pa nito, “Klaruhin natin, hindi ito glorification ng pagiging kabit kasi makikita natin ‘yung pain na pagdadaanan.”

Sey naman ni Kim, talagang inatake siya ng nerbiyos dahil sa nasabing project, “Parang natakot ako sa reaction ng mga fans, reaction ng mga tao, sa role ko na ganoon. Then nu’ng nabasa ko ‘yung script hindi naman pala.

“Pero given the chance na makasama ko kayo and sila Ms. Iza (Calzado) and Ms. Clau, si Cheena at si direk Chito (Roño), parang na-challenge ako at ‘yung role is also challenging. Nine years na ako sa showbiz, why not kumuha ako ng challenging ng role,” esplika ni Kim.

Read more...