Derek: Minahal ko si Angelica, at hindi ko na makakalimutan ‘yun!

DEREK RAMSAY AT ANGELICA PANGANIBAN

DEREK RAMSAY AT ANGELICA PANGANIBAN

HINDING-HINDI makakalimutan ni Derek Ramsay ang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.
‘Yan ang ipinagdiinan ng Kapatid actor nang makapanayam ng press sa campaign launch ng kanyang Century Tuna endorsement.

Sinabi ni Derek na very happy siya ngayon para kay Angelica, sa tuwing nakikita niya ito, alam daw niyang maligaya na ito sa kanyang buhay ngayon.

“Guys, minahal ko si Angelica and I’ll never forget that. That’s a side of me that I’m gonna store deep down in my heart and when you love somebody you want them to be happy,” ani Derek.

Nagbiro pa ang hunk actor na mukhang mauunahan pa siya nito na magkaroon ng “fairy tale ending” dahil nga mukhang masayang masaya na si Angelica with her boyfriend John Lloyd Cruz.

Bago pa ito ay nagkuwento ang hunk actor tungkol sa kanyang bagong movie na “Ex With Benefits”, hindi raw ito typical na movie na kalimitan nating napapanood sa sinehan, may kakaibang lalim daw ito. Medyo parang nakaka-relate nga raw si Derek sa kuwento ng movie dahil sa tema nitong “the one who got away”.

“You fall in love, you make mistakes, you’ll learn to love somebody more so than the one that got away,” dagdag pa niya.

Ito na nga raw ang direksyon na tinutumbok ng kanyang relasyon sa kanyang non-showbiz girlfriend, “For all the stories I have in the past, na it didn’t have happy endings sana ito naman may happy ending.”

Happy ending na nga lang raw ang kulang sa kanya dahil ngayong 2015 ay isang magandang taon para sa kanya dahil sa mga dumating na endorsements and acting projects, kasama na nga ang “Ex With Benefits” kung saan makakasama niya ang It’s Showtime host na si Coleen Garcia.

Sinagot din ni Derek ang tanong kung nagkailangan ba sila sa very sexy pictorial niya for the movie with Coleen dahil nu’ng ginawa raw ito ay nasa set ang boyfriend nitong si Billy Crawford.

“We’re all comfortable there even if Billy’s there. Yes of course it’s kind of awkward pero hindi eh, kaibigan ko si Billy and Billy trusts me,” kwento niya.

Naniniwala naman si Derek na hindi papayag basta-basta si Coleen na gawin ang nasabing pictorial, pero dahil nga may tiwala na sila sa isa’t isa, kaya wala namang ilangan o iba pang problema na naganap. “When we were there, we don’t feel uncomfortable. Trabaho lang,” huling hirit ng aktor.

Read more...