Bohol niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

bohol
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang Bohol kahapon ng umaga. Naramdaman ang lindol alas-4:19 ng umaga at ang sentro nito ay natunton dalawang kilometro sa silangan ng Cortes. May lalim itong animna kilometro at sanhi ng paggalaw  ng tectonic plate sa lugar. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang Intensity IV sa mga bayan ng Cortes, Maribojoc at Antequera. Intensity III naman sa Tagbilaran City, Loon, Balilihan, San Isidro, Corella, Sikatuna, at Loboc. Intensity II naman sa Tubigon, Albuquerque sa Bohol at Argao at Sibonga sa Cebu. 30

Read more...