Guro nanalo ng P63.5M na jackpot sa Grand Lotto 6/55

grand lotto
Isang lalaking guro ang nanalo ng P63.5 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Agosto 1.
Ang nanalo ay 51-taong gulang, may-asawa at tatlong anak. Siya ay taga-Aklan.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 8-13-16-21-26-29 sa naturang bola. Kinuha umano niya ang mga numero sa petsa ng kaarawan ng mga miyembro ng kanyang mga mahal sa buhay.
Nagkakahalaga ng P100 ang kanyang itinaya ng manalo.
Plano niyang itabi sa bangko ang malaking bahagi ng kanyang napanalunan para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Read more...