Jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 aabot na sa P148M sa Biyernes


Inaasahang aabot sa P148 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa Biyernes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nanalo sa P143.9 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto na binola noong Linggo.
Umabot sa P19.8 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola kung saan lumabas ang mga numerong 54-39-42-20-29-40.
Nanalo naman ng tig-P280,000 ang tatlong mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P2,640 naman ang 301 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya (P20) ang 7,735 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...