3 Pinay boxers nalagas sa Asian Boxing Championships

HINDI naging maganda ang pagsabak ng PLDT-ABAP national boxing team noong Linggo sa ASBC Asian Women’s Boxing Championships na ginaganap sa Wulanchabu Sports Gymnasium sa Wulanchabu, China.

Matapos ang magandang panimula sa unang dalawang araw ng torneo kung saan nagwagi ang tatlong Pinay boxers sa kanilang laban kabilang na ang dalawang technical knockout panalo, masagwa ang nangyari sa ikatlong araw matapos na matalo ang tatlo sa apat na pambato ng Philippine team sa kanilang mga katunggali na ang dalawa ay mula sa host China.

Nakatapat ng 2012 world champion at four-time Southeast Asian Games gold medalist na si Josie Gabuco ang mas mataas at mas mahaba ang galamay na si E. Naiyan ng China na pinaboran ng mga hurado sa pagtatapos ng kanilang laban.

Bagamat nagawang makailag ni Naiyan gamit ang kanyang long-range jabs at straights, nakapagpalusot pa rin si Gabuco ng ilang right straights at hooks sa laban.

Nagawa namang makipagsabayan ni Irish Magno kay Ri Hyang Mi ng North Korea subalit natalo rin siya matapos ang apat na rounds bago natalo sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ang bagito namang  si Riza Pasuit ay nagawa namang makipagpalitan ng suntok sa Chinese boxer na si Meiling Gao sa pamamagitan  ng split decision.

Tanging ang silver medalist sa World Championships at Singapore SEA Games na si Nesthy Petecio ang palaban pa para sa medalya sa torneo.

Makakasagupa niya si Sana Kawano ng Japan sa quarterfinals na ginanap kahapon.

Read more...