ANG kakapal talaga ng pagmumukha ng mga mambabatas natin sa hindi pagpasa sa Kongreso at Senado ng anti-dynasty law.
Ang panukalang anti-dynasty law, na nakasaad sa ating Saligang Batas, ay naglala-yon na ipagbawal ang paghawak ng isang pa-milya o kamag-anakan ng mga elective positions.
Ang malaking halimbawa ay mga Binay ng Makati: Ang amang si Jojo ay Vice President, ang anak na si Nancy ay senador, si Abigail na isa pang anak ay congresswoman, at si Junjun ay mayor.
(Si Junjun ay suspendido dahil sa kinakaharap na overpricing ng construction ng Makati Science High School building)
Ganoon katigas ang pagmumukha ng mga Binay. Wala silang pakialam kung anong sinasabi ng taumbayan sa kanila na kinorner na nila ang elective positions. Mga kapalmuks talaga!
Ayaw ng Kongreso at Senado na ipasa ang anti-dynasty bill dahil karamihan sa kanila ay mga magkakapatid, mag-iina, mag-aama, magpipinsan, mag-aasawa na kumakapit sa kani-kanilang elective positions.
Nagkamali ang mga framers ng Saligang Batas nang ipinaubaya nila sa Kongreso at Senado ang pagpapasa ng enabling law o batas na maisakakatuparan ang anti-dynasty provision.
Palibhasa minadali ng mga constitutional convention delegates na in-appoint ni Pangulong Cory ang pagpasa ng Bagong Constitution o Saligang Batas.
Sa ganang akin, the current Congress and Senate will never pass the anti-dynasty bill because that would sound the death knell for their greed for power.
Hintayin na lang natin na malansag ang House of Representatives at Senate upang maipasa ang anti-dynasty law through an executive order from the President.
Anyway, walang kuwenta naman ang ating Kongreso at Senado at kailangan nang lansagin ang mga ito.
***
Gumamit ng swardspeak o salita ng mga bakla ang mga diumano’y kagalang-galang na mga spokesmen nina President Noynoy at Vice President Jojo Binay.
Tinawag ni presidential spokesman Edwin Lacierda ang “true state of the nation” o Tsona ni Binay na “charot.”
Ito naman ang sagot ni Joey Salgado, tagapagsalita ni Binay: “Imbey ang fez ni secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP. Pero ang Sona ng Pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil trulalu.”
Translation: Galit si Secretary dahil totoo ang sinabi ni VP. Pero ang Sona ng Pangulo walang appeal sa masa dahil hindi totoo.
P*&^%$#@! Kung ganoon na ang salita ng mga opisyal natin sa gobyerno mabuti pang maging bakla at tomboy na ang mga Pilipino.
***
Ang mga bakla lang ang nagsasalita ng ganoong lengguwahe.
Hindi bagay sa mga kagalang-galang na mga tao gaya nina Lacierda at Salgado ang gumamit ng swardspeak.
Unless—listen to this, dear readers—ipinakikita nila na sila’y mga bakla.
Kung sabagay, dumarami na ngayon ang mga bakla at tomboy kahit na di sila nanganganak.
***
Nakapagtataka na naisali ang pangalan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa last batch ng mambabatas na sinampahan ng kasong estafa kaugnay sa P10-bilyon pork barrel scam.
Sa aking pagkakakilala kay Rodriguez, siya’y hindi corrupt. Malinis siya nang lisanin niya ang Bureau of Immigration bilang commissioner.
“Malinis siya, Mon,” sabi sa akin ng isang retired immigration officer na nanilbihan noong panahon ni Rodriguez sa immigration.
Kung tutuusin, mani na halaga ang P2.99 million na kinita raw ni Rodriguez bilang kickback sa pork barrel scam kumpara sa kinita niya sana kung siya’y nagpaka-corrupt bilang immigration commissioner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.