Makapag-aabroad ba? | Bandera

Makapag-aabroad ba?

Joseph Greenfield - August 11, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay  Jasmine Savana, Bucana,  Davao City
Dear Sir Greenfield,

High school graduate lang ako habang ang mister ko naman ay isang construction worker lang at may tatlo kaming anak na maliliit pa. Kaya sa ngayon kung hindi kami mangungutang kulang na kulang ang sinusuweldo ko bilang sales lady sa isang department store. Balak ko sanang mag-abroad, para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking mga anak at payag naman ang mister ko sa binabalak kong ito. Ang nais ko lang malaman ay kung makapag-aaboad ba ako? Sa kasalukuyan ay nag-aayos na ako ng mga papeles at sa Kuwait ako nag-aplay bilang D.H. Itatanong ko lang kung may maganda kayang kapalarang naghihintay sa akin sa Kuwait kahit na Arabo yata ang magiging amo ko kaya minsan ay natatakot at kinakabahan din ako? Sana maanalisa mo ang kapalaran ko para mapayapa na ang aking puso at isipan? September 14, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Jasmine ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

May malinaw naman at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na basta’t magsikap ka lang sa pag-aaplay tiyak ang magaganap, darating ang sandali na matutupad din ang malaon mo ng pangarap na makapangibang bansa.
Cartomancy:

Two of Clubs, Ace of Diamond at Nine of Harts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2016 sa buwan ng Enero o kaya’y Pebrero tiyak ang magaganap, matutupad na ng kusa ang pangarap mong pangingibang bansa, kung saan, imbis na sa Kuwait ka matuloy sa Dubai ang iyong magiging destinasyon.

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending