Trillanes may 2 bagong pasabog vs VP Binay

trillanes
SINABI ni Sen. Antonio Trillanes IV na may dalawa siyang bagong pasabog laban kay Vice President Jejomar Binay sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado kaugnay ng mga alegasyon ng korupsyon laban sa kanya sa susunod na linggo.

Idinagdag ni Trillanes na magpapatuloy ang pagdinig ng Senate blue ribbon subcommittee sa Agosto 20 at Agosto 26.

“May hearing po kami ulit dito kay VP Binay dahil na-i-ready na yung ilalabas natin (We’ll have another hearing against VP Binay because the new exposes are already set),” sabi ni Trillanes

Hindi naman idinitalye ni Trillanes ang sinasabing bagong mga anomalyang kinasasangkutan ni BInay.

“Meron dalawang bagong expose,” sabi ni Trillanes.

Nauna nang inirekomenda ng subcommittee na pinamumunuan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang paghahain ng plunder at graft laban kay Binay kaugnay ng umano’y overpriced Makati City Hall 2 parking building.

Read more...