P1.5M halaga ng shabu nakumpiska

PNP-chief-sona
Tinatayang P1.5 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa tatlong lalaki sa isang buybust operation sa Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Jamel Ismael, Romnick Rega at Mujiv Abdul Hamel.
Nasakote ang mga suspek alas-6 ng umaga sa Kanlaon st., Brgy. Sta Teresita.
Bumili ang police poseur buyer ng 50 gramo na nagkakahalaga ng P75,000 sa mga suspek pero matapos silang masakote ay may nakuha pang shabu ang mga pulis.
Dinala ang mga suspek sa Camp Karingal habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.

Read more...