NILINAW ni Jaya na hindi talaga na-stroke ang inang si Elizabeth Ramsey tulad nang naunang napabalita.
Ayon sa Soul Diva, inatake ang veteran singer-actress ng hyperglycemia o ang pagtaas ng glucose sa dugo na naging sanhi ng pagkakaroon nito ng seizure noong Aug. 6.
Mabilis namang nadala si Ms. Elizabeth sa Philippine Heart Center at inilagay sa Intensive Care Unit. Sey ni Jaya sa isang panayam, tatlong oras nag-seizure ang kanyang 83-year old na ina.
“Imaginin mo na ganyan ka, half of your body, including your head, maano ang oxygen mo…made-deplete ‘yan. “Kaya nakalaan kami doon sa pagtigil nito…malamang ‘di siya magising o ‘di na siya huminga.
Kasi pagod ka, e. Imagine three hours kang nagsi-seizure,” paliwanag ng singer-actress na mapapanood na very soon bilang si Corazon sa bagong version ng Marimar starring Tom Rodriguez and Megan Young.
Sey pa ni Jaya, muntik na raw siyang mawalan ng pag-asa dahil sa nasaksihang paghihirap ng ina, “Akala ko nga, su-surrender na ako, magbe-breakdown o magagalit ako sa Diyos.
But I am so prepared for this.” Mabuti na raw ang kundisyon ngayon ni Ms. Elizabeth at nagpapasalamat si Jaya sa lahat ng nagdasal para sa kanyang nanay.
Nasa ospital pa rin ang veteran performer para maobserbahan pa nang husto ang kanyang health condition at kapag okay na raw uli ito, titiyakin ni Jaya na sa bahay na niya uuwi ang ina.
“I will make sure she is loved. Basta dito na siya sa akin titira,” sey pa ng Kapuso star.
Nauna rito, nag-post si Jaya ng mensahe sa kanyang Instagram account sa lahat ng nagmamahal sa kanyang nanay: “Praise God for His mercy.
Mama Beth Ramsey did NOT have a stroke. Instead a seizure due to diabetes/hyperglycemia. She is moving and is recovering fast.
AYAW NA RAW NYA SA OSPITAL!!! Thank you all very much for all the prayers. God bless you Mama and all of you who sent love and hugs!!! We love all of you!”
MOST READ
LATEST STORIES