SUKO na yata itong si Jackie Forster sa pakikipagbakbakan para sa dalawa niyang anak sa dating mister na si Benjie Paras.
Ito ay nang sabihin niya sa programang “Aquino & Abunday Tonight” noong nakaraang linggo na tila oras na para mag-let go sa pakikipag-away para lang makuha ang simpatya at pagpapatawad ng kanyang mga anak na sina Kobe at Andre.
“I think it’s time to let go…but I will never stop loving them,” ganito ang pagkakasabi niya sa dalawang host.
Nahihirapan na rin umano siya sa patuloy niyang pagmamakaawa sa mga anak para lang siya kausaping muli.
“Hanggang kailan ako magmamakaawa?,” pahayag ni Jackie. Halos ginawa na umano niya ang lahat para pansinin siya ng dalawang anak, at makailang beses na rin siyang humingi ng tawad sa kanila kahit sa social media.
Sinabi ni Jackie kay Boy Abunda na pinagbigyan na raw nya sina Andre at Kobe nung humiling ito na bigyan muna sila ng space.
“(But) Until when will I beg? Their sister got sick and all, and they still didn’t have the heart to forgive and to reach out,” aniya, na ang tinutukoy ay ang kanyang anak na babae sa bagong kinakasama.
MOST READ
LATEST STORIES