Jennylyn mas wais na sa lalaki: Nakakatakot na kasi!

dennis trillo

Mas wais na ngayon si Jennylyn Mercado pagdating sa love. Maraming beses na kasi siyang nadapa sa usaping pag-ibig, pero ang mahalaga raw ay lagi siyang nakakabangon.

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring aminin nina Jen at Dennis Trillo na nagkabalikan na sila, pero kitang-kita naman na maligayang-maligaya na sila ngayon sa piling ng isa’t isa nang humarap sa presscon ng bago nilang serye sa GMA Telebabad, ang My Faithful Husband na magsisimula na bukas ng gabi.

Sey ni Jen, ingat na ingat na siya ngayon sa kanyang desisyon pagdating sa pakikipagrelasyon, “Nakakatakot na kasi, e. Kilala n’yo naman kasi ako pag nagmahal, ‘di ba, one hundred percent? Kaya after nu’ng mga na-experience ko, mas ano nga ako ngayon… mas nag-iisip na.”

Nang muling tanungin kung tuluy-tuloy lang ang panliligaw ni Dennis sa kanya, “Siyempre ‘di ko na ipagsisigawan sa mga tao kung ano ang isasagot ko, ‘di ba? Relax lang, tayu-tayo na lang, at ‘di ko alam.

Wala pa talaga, wala po talagang exag (exaggeration). Araw-araw po akong nasa trabaho kaya hirap din akong sagutin ang mga tanong sa akin, e.”

Samantala, sa Lunes na nga mapapanood ang My Faithful Husband nina Jen at Dennis sa GMA Telebabad kung saan gaganap silang mag-asawa na biglang magugulo ang pagsasama dahil sa pagpatol ng karakter ni Jennylyn sa dati nitong dyowa na gagampanan naman ni Mikael Daez.

Makakasama rin sa seryeng ito sina Louise delos Reyes, Snooky Serna, Lloyd Samartino, Rio Locsin, Nonie Buencamino, Timmy Cruz, Jazz Ocampo, Kevin Santos, Ricky Davao at marami pang iba, sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

Kaya wag na wag palampasin ang pilot episode ng My Faithful Husband.

Read more...