PANGARAP ng Kapamilya leading lady na si Bea Alonzo na ma-achieve rin nila ng kanyang screen partner na si John Lloyd Cruz ang tagumpay nina Dawn Zulueta at Richard Gomez bilang magka-loveteam.
Aminado ang aktres na matagal na siyang avid fan ng CharDawn tandem, bilib na bilib siya sa dalawa dahil hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang kanilang loveteam at patuloy pa ring sinusuportahan ng madlang pipol.
“I always look at them ‘yung parang benchmark ng loveteam. For sure mas maraming mas successful pang loveteams sa kanila noon but ‘yung longevity nila talagang nakakabilib,” ayon kay Bea sa interview ng ABS-CBN.
Hirit pa ng dalaga, “Kaya sabi ko sana magkaroon kami ng same longevity, sana dumating din ‘yung araw na as we mature kami ni Lloydie we will be more comfortable with each other as Richard and Dawn are comfortable with each other.
“‘Yun ‘yung parang ‘Wow nakaka-excite, malay mo maging ganon din kami na walang relationship man o ano but may pinaniniwalaan, may fantasy,” aniya pa.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama nga ni Bea sina Richard at Dawn sa pelikula, ang “The Love Affair” under Star Cinema showing on Aug. 12.
Napakarami raw natutunan ni Bea sa dalawa bilang artista, “Kasi like every scene, she makes sure that binibigay niya lahat, na she works for it and kahit physically she makes sure she sleeps well.
“Alam mo na tinatrabaho niya, na meron pa rin siyang ganong drive hanggang ngayon. She’s been in the business for so long. She had a lot of awards already but she never stops to work hard and to dream,” paliwanag pa ng girlfriend ni Zanjoe Marudo.