Sina James Reid at Nadine Lustre ang sinasabing kakabog nang matindi sa Daniel Padilla-Kathryn Bernardo love team.
Magaling daw ang dalawa sa latest soap nila. Say ng isang kumara, super yummy si James, ang ganda ng shots nito at talagang isang certified hottie.
Eere pa lang ang soap ng JaDine tandem but this early ay maganda na ang reviews nito. Ang tanong, hindi kaya ma-threaten ang KathNiel fans kapag ipinalabas na ang soap opera nina James at Nadine.
Naku, tiyak na mabubuhay na naman ang rivalry ng dalawang love team.
MOST READ
LATEST STORIES