Willie: Mahirap din kung palagi na lang akong malulugi!
Bukas ay mapapanood na sa kanyang bagong oras ang Wowowin. Huwag sanang maligaw ang mga tagasuporta ni Willie Revillame dahil bukas ay mas maaga na ang kanyang pag-ere, alas dos nang hapon na, pagkatapos ng kalulunsad pa lang na Sunday PinaSaya ng GMA 7.
Alas dos nang hapon hanggang alas tres kinse na ang Wowowin, mas mahaba nang kinse minutos, ibinigay kay Willie ng Siyete ang lahat ng kanyang gusto para sa ipinoprodyus niyang programa.
Walang problema sa rating ng Wowowin. Mula nang ipa- nganak ang show nu’ng May 10 ay palaging magandang numero ang kanilang nakukuha, talagang nandiyan pa rin ang mga tagahanga ni Willie, hindi siya pinababayaan.
Kaya lang, “Namumuhunan kasi ako, milyunan ang pinag-uusapan sa pagbuo ng isang weekly show. Hindi naman puwedeng labas lang ako nang labas ng capital pero hindi ganu’n kaganda ang balik.
“Mahihirapan naman ako kung buwan-buwan lang akong malulugi, di ba? Kailangang magkaroon ng mga sponsors ang show, nandu’n ang buhay ng lahat ng programa, kapag walang sponsors, paano magpapatuloy ang isang show?
“Kaya hiniling ko sa GMA 7 na mabigyan sana ako ng magandang oras, ‘yung papasukin ng sponsors, sinagot naman nila ang request ko.
At hindi lang ‘yun, napakalaking discount pa ang ibinigay sa akin ng network, sobrang consideration talaga, kaya napakasaya ko at ng buong staff ko,” pahayag ni Willie Revillame.
Kaya bukas, Linggo nang hapon, alas dos na ang Wowowin hanggang alas tres kinse. Isang napakasayang hapon na naman ang ibibigay ni Willie sa kanyang mga tagahanga.
Bigyan ng jacket ‘yan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.