Dingdong hindi pa solve kay Mar sa 2016 elections? Naghihintay pa sa ibang kandidato

DINGDONG DANTES

DINGDONG DANTES

WALA pang napipiling kandidato para sa 2016 presidential elections ang GMA Primetime King na si Dingdong Dantes.

Kilalang kaalyado ng Pangulong Noynoy Aquino si Dingdong dahil isa ang aktor sa mga top celebrities sa bansa na nangampanya noon sa kapatid ni Kris Aquino. At kamakailan nga ay inendorso na ni P-Noy si DILG Sec. Mar Roxas bilang official presidential candidate ng Liberal Party.

Nang makachika namin at ng ilan pang miyembro ng entertainment press si Dingdong during the thanksgiving party ng teleseryeng Pari ‘Koy kamakailan, tinanong ang aktor kung susuportahan din niya si Mar sa 2016.

“Let’s put it this way, responsibilidad nating mga mamamayan ang suriin nang wasto ang mga lalahok, ‘di ba? More or less, nagpapasalamat tayo na, right now, we are seeing the possible candidates, but not until nagkaroon na ng final na list.

“Meaning, before the last day of the filing of the candidacy, only then can we actually have yung pagpipilian natin. Para sa akin, masaya ako na yun ang naging desisyon ni PNoy, ang iendorso si Secretary Mar Roxas.

“But then again, kailangan talaga we have to see the option and i-weigh siya kung ano ang paniniwala natin,” paliwanag ng mister ni Marian Rivera.

Sundot na tanong kay Dingdong, ikakampanya ba niya nang bonggang-bongga si Mar? “Well, masyado pang maaga para sagutin ‘yan. Unang-una, nakaupo tayo ngayon and my term ends in 2017. So, technically, may trabaho pa akong kailangang gawin.”

Ang tinutukoy ng Kapuso leading man ay ang pagiging commissioner-at-large niya ng National Youth Commission, “Hindi ko naman sinasabing bawal ang mangampanya, puwede naman.

“Pero siguro ang sinasabi ko, uunahin ko muna ang trabaho ko, at tingin kong kailangan kong tapusin before I will consider that But then again, hindi pa naman tayo sigurado kung sino ang ibang lalahok.
“We have to keep our options open until the last day, and then we decide,” esplika pa ng aktor.

Read more...