Blind item: Young actress nagparetoke, nagpakinis matapos pintasan ni actor

TINABLAN ng mga pagpansin at pamimintas ng marami ang isang young actress. Marami kasing nagsasabi na hindi pang-artista ang kanyang kutis dahil marami siyang alagang kung anu-ano sa mukha at katawan.
Mula kasi nang mag-artista ang young actress ay naging prominente na ang mga butlig niya sa noo, marami rin siyang pekas, samantalang hindi naman siya mestiza.
Marami siyang naririnig na kuwento, marami siyang nababasa, kaya isang araw ay pinagtuunan na ng pansin ng batang aktres ang kanyang balat.
Kuwento ng aming source, “Dati kasi, e, may isang young actor na matindi ang pagka-crush sa kanya. As in, crush na crush talaga siya. Liligawan na sana siya nu’ng young actor, pero nu’ng makita siya nang malapitan, e, parang tinabangan bigla sa kanya ‘yung guy.
“Nalaman ng girl na hindi pala nagustuhan ng lalaki ‘yung mga butlig niya sa noo, marumi raw pala ang balat niya, minarkahan niya ‘yun.
“So, nagsimula na siyang magpa-treat sa isang sikat na skin clinic. Maraming inayos sa balat niya, lalo na sa face niya, talagang halos tinuklap na ang first layer ng skin niya!
“Mukhang effective naman ang ginawa sa kanya dahil ngayon, e, makinis na siya! Goodbye na ang mga butlig niya sa noo, makinis na rin ang katawan niya,” kuwento ng aming impormante.
Pero maraming bawal sa kanya ngayon, kailangan niyang sundin ang mga habilin sa kanya ng doktor niya, bawal sa kanya ang magpainit sa araw.
“Kaya tingnan n’yo, kahit pa malapitan lang ang tatawirin niya, e, kailangan siyang payungan. Bawal na sa kanya ang direct sunlight. Pero mukhang nakakita na siya ngayon ng lalaking mamahalin siya, makinis man o hindi ang kutis niya.
“Sobrang happy sila ngayon ng boyfriend niya, mukhang hindi na nga yata sila naghihiwalay. Kilalang-kilala n’yo po kung sino ang girl na ito. Opo. Kilalang-kilala n’yo po siya,” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Read more...