Willie Revillame nalugi ng P50-M sa Wowowin

WILLIE REVILLANE

WILLIE REVILLANE

UMABOT na sa P50 million ang nalulugi kay Willie Revillame mula nang umere ang game show niya sa GMA 7 na Wowowin. Blocktimer ang production ng TV host-comedian sa Siyete at madugo raw talaga ang mag-produce ng isang programang tulad ng Wowowin.

Ayon kay Willie, sa ginanap na presscon ng Wowowin, talagang malaking halaga ang ginagastos nila sa bawat episode ng show, “Going P50 million. Okay lang ‘yan, pera lang naman yun. Alam mo, pera lang ‘yan, kikitain natin ‘yan.

“‘Tsaka, nagsimula naman tayo sa Wowowee (ABS-CBN) wala naman akong pera, e. So, ibinabalik ko lang lahata yun sa publiko,” sey ng komedyante.

Chika pa ni Willie, nitong mga nagdaang araw, bago nga umere ang episode ng Wowowin noong Aug. 2, palagi raw siyang nasa Tagaytay para tutukan ang ipinatatayo niyang hotel doon. Sa tono nito, tila nawalan na siya nang gana para ipagpatuloy ang kanyang show sa GMA dahil sa pagkalugi.

Tulad nang nasulat namin kahapon, sinisi ni Willie ang timeslot (3:30 p.m.) nila kaya hindi ito masyadong pinapasok ng advertisers. Inamin din ng komedyante na handa na sana siyang mag-focus sa kanyang mga negosyo at tumigil muna sa paglabas sa TV.

“Actually, nagpaplano na akong kausapin ang staff ko, bibigyan ko na sana sila ng parang…separation (pay), sasabihin ko sa kanila na move on na tayo. Pero nabuhayan tayo ng loob nang kausapin uli tayo ng GMA. Hindi raw nila ako iiwan, hindi raw nila ako paaalisin.

“I never thought na may istasyong ganito, e, na nakinig lang. Tapos, akala ko, walang response yung gusto ko (ilipat ng timeslot ang Wowowin).Tapos tinawagan ako ni Boss Joey Abacan (ng GMA), ang bungad niya sa akin, ‘Hindi mo kami iiwan, ayaw naming iwanan mo kami, ayaw naming mawala ka. Mag-usap tayo.’”

Isa raw sa mga pinag-usapan ng dalawang kampo ay ang gawing araw-araw ang Wowowin, “Kaya sobrang thankful ako kay Mr. (Felipe) Gozon, Mr. (Philip) Yalung, Mr. (Gilberto) Duavit…hindi lang sa kanila. Nakarating sa akin na yung unyon dito, nag-usap. Sabi daw, ‘Sayang ang programa ni Willie…’ bakit daw mawawala.

“Ito, totoo ‘to, so nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tao dito sa GMA. Ngayon ko lang nararamdaman na sobrang pagwi-welcome, na parang ang sarap ng feeling na mula sa janitor, hanggang sa security guards, nagpa-picture sa iyo.

“Hanggang sa mga namumuno rito, I appreciate that. So, ang sarap ng feeling na lahat tanggap ka. Ang naramdaman ko dito sa GMA, Kapuso…may puso. May pagbibigay-halaga,” sey pa ni Willie.

Handang magbenta ng properties si Willie para lang ma-sustain ang Wowowin, “Oo, titiyagain ko na ‘to. I’ll be honest, may mga properties ako na puwede namang ibenta na hanggang ma-maintain ko lang ‘to.”

Mapapanood na sa Linggo ang Wowowin sa bago nitong timeslot, 2 p.m. hanggang 3:15 p.m., ka-back to back ng pilot episode ng Sunday PinaSaya.

Read more...