Naka-confine si Speaker Feliciano Belmonte Jr., matapos na magka-dengue.
“It takes time to study the blood samples take from me twice a day. As of today it is dengue,” ani Belmonte sa isang text message.
Ayon kay Belmonte noong Lunes ng gabi ay masama na ang kanyang pakiramdam pag-uwi niya sa batas mula sa opisina.
Si Belmonte ay nasa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.
Hindi nakadalo si Belmonte sa pagtitipon ng Liberal Party sa Greenhills, San Juan noong Martes dahil nilalagnat na siya.
“I’m sick, might miss it (LP gathering). Fever since last night at Congress. Very high pa,” saad naman ni Belmonte sa text message bago ang pagtitipon.
Sinabi naman ng anak ni Belmonte na si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na hindi malala ang kalagayan ng kanyang ama. Nasa ospital lamang umano ito upang mapangalagaan ng maayos.
Belmonte na-dengue
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...