NAGBIGAY si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng “payong kapatid” kay Sen. Grace Poe sa harap naman ng isyu kaugnay ng kanyang citizenship.
Ayon kay Marcos, dapat masanay na si Poe sa mga atake sa kanya.
“Alam niyo, si sis…” pabirong sabi ni Marcos.
“She can take care of herself; she does not need my help in anyway. If she asks for it, she has it not because of any suspected familiar connection but she’s my friend, she’s my colleague; kung humingi siya ng tulong sa akin, tutulungan ko siya, asahan niya yun,” dagdag ni Marcos.
Ito’y matapos namang magsampa ng petisyon si Rizalito David sa Senate Electoral Tirbunal (SET) para mapatalsik si Poe bilang senador.
“Malapit ako sa pamilya niya; eh kung si Manay Susan lumapit sa akin, sabihin, ‘Tulungan mo naman si Grace,’ paano ko namang hihindian yun, eh bata pa ako magkabigan na sila ng magulang ko,” ayon pa kay Marcos.
Nauna nang itinanggi ni Poe na ang tatay ni Marcos na si yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos ang kanyang tatay.
Ipinagtanggol din ni Marcos si Poe matapos naman ang ulat na siya ay lasengga at nambubugbog ng kasambahay.
“As brotherly advice, ay naku, masanay ka na. Tatlong taon ka palang sa national politics; ganyan talaga, nailagay ka na ngayon sa presidentiable eh mas lalong magiging matindi ang pagbabato sayo ng kung ano-ano,” sabi pa ni Marcos.