James, Nadine walang arte, game sa halikan at bed scene

cherry pie picache

IISA ang narinig naming komento sa special screening ng seryeng On The Wings Of Love na ginanap sa Trinoma cinema 7 noong Lunes: “Ang guwapu-guwapo talaga ni James Reid at bagay sila ni Nadine Lustre!”

Oo nga naman, agree ako sa obserbasyon ng mga nakapanood sa bagong teleserye ng ABS-CBN sa Primetime Bida dahil maski saang anggulo mo tingnan si James ay guwapo talaga at maganda pa ang katawan.

Tilian nga nang tilian ang fans ng JaDine loveteam kapag lumalabas na ang aktor. Mas grabe pa ang hiyawan ng mga ito nang mag-topless ang binata sabay sigaw ng, “Yummy!”

Sayang bossing Ervin at hindi mo nasaksihan ang reaksyon ng fans nina James at Nadine dahil talagang nakakabingi ang sigawan nila na bawa’t kilos at dialogue ng dalawa ay sinasagot nila.

Anyway, sobrang nakakakilig nga ang tambalan ng dalawang bagets na kahit anong gawin nila ay may dating talaga at hindi hard sell.

Naalala namin ang tambalang Christopher de Leon at Vilma Santos noong araw na wala namang relasyon pero epektibo pa rin ang loveteam nila at ganito ang nakikita namin sa “relasyon” nina James at Nadine on screen.

Ang pagkikita at pagkakakilala nina James at Nadine sa San Francisco, USA ang mapapanood pilot week ng On The Wings of Love na magsisimula na sa Agosto 10, Lunes.

Ito’y sa direksiyon nina Jojo Saguin at Antoinette Jadaone for Dreamscape Entertainment. Maganda ang takbo ng kuwento kaya tiyak na aabangan ito ng lahat lalo na ng mga TFC subscriber dahil basically ay istorya nila ang On The Wings of Love lalo na ang mga OFW na ‘yung iba ay nagsimula sa pagiging TNT o tago nang tago tulad ng papel ni Cherry Pie Picache na gumaganap na ina ni Albie Casino sa kuwento at tiyahin naman ni James Reid.

Hindi na namin ikukuwento ang mga nakakakilig na eksena sa pilot week ng serye, mas maganda kung aabangan n’yo na lang ito para may mystery.

Palibhasa parehong hindi na minor sina James at Nadine kaya napapayag na silang magkaroon ng bed scene rito. Bukod dito, mayroon din silang kissing scene at talagang pinaghandaan nila ang mga eksenang ito.

Gustung-gusto namin ang papel ni Albie na isang spoiled brat na barubal magsasagot at maraming angst sa buhay, lalo na nu’ng hindi siya nabigyan ng US visa kaya hindi siya nakasama sa Amerika para makita ang kanyang ina at makasama ang girlfriend.

Sabi ni Cherry Pie ay challenge sa kanya ang bago niyang papel na isang lesbian mother, pero base sa napanood namin ay effortless naman ang akting niya.

Ibang klase talaga ang aktres pagdating sa offbeat roles. Kasama rin sa On The Wings Of Love sina Joel Torre, Nanette Inventor, Bianca Manalo, Nico Antonio, Nhikzy Calma, Andrei Garcia, Laiza Comia at may special participation din sina Isay Alvarez at Katya Santos.

Speaking of Cherry Pie Picache, puro papuri rin ang ibinigay ng aktres kina James Reid at Nadine Lustre. At dahil marami silang eksena ng binata, mas nakilala raw niya ito nang husto.

“It was so nice to discover na siya’y napakabait na bata, napakabait ng puso. Kasi ‘pag sa first encounter, suplado, mayabang. Basta mabait siya.

Mabait yung puso, mabait yung pakikitungo. Hindi showbiz,” ang sabi ni Cherry Pie sa isang panayam.
Dagdag pa ng aktres, “Totoo yung sinabi ni Direk Jojo (Saguin), walang tsika na kung paano sila magtrabaho, how they work hard on screen, yung chemistry nila, ganun sila pag walang shooting.

“Pero honestly, nakakakilig. Kasi nga, yung binanggit nga ni James na, since April last year ‘til today, almost every day na silang nagkakasama. Siguro they’ve really become close with each other,” dugtong pa nito.

Sa panayam pa rin ng ABS-CBN i- binahagi nina James at Nadine ang ilang eksena nila sa On The Wings of Love na hindi nila makakalimutan.

Ayon kay Nadine, na-enjoy niya talaga ang pagre-relax nila ni James in between their takes, “Listening to music ang naging bonding namin ni James doon.

Ang dami namin napakinggan na songs and ‘di ko rin makakalimutan yung nag-drive kami na naka-top down papunta sa Napa Valley.

Eksena yun para sa teleserye pero nag-enjoy kami pareho kasi kami lang dalawa sa eksena.” In-enjoy din daw ni James ang trip nila patungong Napa Valley, “Yung pagdaan namin doon is really something to remember.

Ang ganda ng place and ‘di mo talaga makakalimutan ang mga scenes namin na nai-shoot doon.”
Special friends pa rin ang status ng kanilang relasyon hanggang ngayon pero sabi nga namin, kahit na hindi sila committed sa isa’t isa, patok na patok pa rin ang tandem nila sa mga tao, “There’s no secret, it’s just there.

This tandem started out as an experiment and we are happy and thankful that it worked.”

Read more...