Rhian Ramos mas lalong napalapit sa mga tomboy

rhian ramos

NAPAKALAKI ng pagbabagong idinulot sa buhay ni Rhian Ramos simula nang tanggapin niya ang kanyang role sa The Rich Man’s Daughter.

Naging game-changer din daw ito para sa kanyang career at maging sa kanyang personal life. Hinding-hindi rin niya makakalimutan yung mga panahong kinausap siya para sa role ni Jade Tanchingco.

Masaya rin daw siya na sa dinami-rami ng Kapuso artists, siya ang napiling gumanap para sa nasabing role na nagtuturong magmahal ng totoo, may it be sa family, sa lover, at sa mga friends.

Aminado rin naman si Rhian na mas dumami ang kanyang mga fans, even abroad dahil na rin sa The Rich Man’s Daughter kaya naman labis-labis ang pasasalamat niya sa lahat ng walang sawang sumusuporta sa tomboy serye nila ni Glaiza de Castro.

Kaya sa nalalapit na pagtatapos nito, tutukan kung ano nga ba ang mangyayari sa mga karakter nina Rhian at Glaiza, magkaroon pa kaya ng happy ending ang kanilang pagmamahalan o isang matinding trahedya ang magiging katapusan ng kanilang kuwento?

Read more...