Poe inaming umiinom ng beer pero iginiit na hindi siya alcoholic

grace poe
SINAGOT ni Sen. Grace Poe ang alegasyon na siya ay lasengga sa pagsasabing bagamat umiinom siya ng beer, hindi naman siya alcoholic.

“Kung umiinom man, sa party, San Miguel Beer or white wine, hindi naman po siguro lasenggo yun at hindi po ako nagpa-rehab,” sabi ni Poe.
Ito’y matapos namang lumabas sa mga pahayagan ang umano’y pagiging lasengga at pambubugbog ni Poe sa kanyang mga kasambahay.
“Alam mo nalulungkot ako doon, nambubugbog daw, lasenggo, nag-rehab, lahat na po iyan tinatapon nila. May mga lalabas daw,” dagdag ni Poe.
Idinagdag ni Poe nakahanda siyang harapin ang mga nag-aakusa sa kanya.

“Alam niyo po, kapag nasa panig ninyo ang katotohanan, hindi naman po ako natatakot diyan. Nalulungkot lang ako sapagkat hindi naman po ako nagbubuhat ng kamay sa kanila,” aniya.

Read more...