IDINEKLARA ng Court of Appeals (CA) na iligal ang anti-smoking campaign ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa 16-na-pahinang desisyon, sinabi ni appeals court 12th division Associate Justice Maria Elisa Sempio-Diy na hindi kabilang ang MMDA sa mga ahensiya ng gobyerno na inatasan sa ilalim ng Republic Act 9211 o the Tobacco Regulation Act of 2003 para ipatupad ang batas.
“Clearly, RA 9211 did not give respondent-appellant MMDA the power to implement the law,” sabi ng CA.
Ito’y matapos ang petisyon na inihain nina Anthony M. Clemente at Vrianne I. Lamson sa Mandaluyong court na naglalayong pahintuin ang MMDA sa pagpapatupad ng Tobacco Regulation Act.
Inihain ng dalawa ang petisyon matapos arestuhin ng MMDA personnel matapos ang paninigarilyo sa harap ng Farmer’s Plaza Market sa kahabaan ng Edsa sa Cubao, Quezon City.