Pinakamalakas na bagyo nasa bansa na

pagasa
Pumasok na kahapon sa Philippine Area of Responsibility ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon.
Sa ipinalabas na advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Adminisration bago magtanghali kahapon, sinabi nito na ang bagyong Hanna ay nasa layong 1,380 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.
Mayroon itong hangin na umaabot sa 195 kilometro bawat oras ang bilis. May pabugso itong aabot sa 230 kph. Umuusad ito sa bilis na 20 kph pakanluran-hilagang kanluran.
Hindi daraan sa kalupaan ang bagyo subalit palalakasin nito ang Hanging Habagat na magdadala ng pag-ulan.
Ngayong araw ang bagyo ay inaasahang nasa layong 910 kilometro sa silangan ng Calayan.
Inaasahang lalabas ito sa PAR sa Linggo ng umaga.

Read more...