“I invite Senator Grace Poe to join this tandem.”
Ito ang naging panawagan ni Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas kay Senator Grace Poe Miyerkules na inihayag niya sa national television.
Hinikayat ni Roxas na magivg bise presidente niya ang senador sa darating na 2016 elections.
“Inimbita ho natin, bukas po ang ang partido, bukas po ako. Inimbita ho namin si Senadora Grace Poe na sumama dito sa tandem na ito, na sumama sa ating movement, sa ating laban na pagpapatuloy, pagpapalawak ng daang matuwid,” pahayag ni Roxas nang mag-guest ito sa programang “Unang Hirit” ng GMA.
Sinabi naman ni Poe na napanood nga niya ang interview kay Roxas at bukas naman umano siya sa pakikipag-usap bilang kaibigan.
“I first heard of his invitation to meet through media also this morning. Prior to that we have not spoken about it,” pahayag ni Poe sa isang text message.
“(I’m) always open to meet Secretary Roxas as a friend. But there is no particular date arranged.”
Una nang nagpahayag si Poe na wala a umanong iniaalok sa kanya ang LP, na madali namang itinanggi ni Roxas.
Ayon kay Roxas matagal na umano niyang inalok si Poe na maging running mate niya sa darating na halalan bago pa siya tuluyang inendorso ni Pangulong Aquino bilang pambato nf Liberal Party noong isang linggo.