‘Yaya Dub’ bigatin na bago pa pumasok sa showbiz

KLIK na klik ngayon si Nicomaine Dei “Maine” Mendoza aka “Yaya Dub” na araw-araw na inaabangan sa “Juan for All, All for One” segment sa Eat Bulaga.
Pero ano nga ba o sino nga ba si “Maine” kung hindi siya si “Yaya Dub” o si Divina Ursula Bokbokova?
Flight stewardess sana ngayon si Yaya Dub kung hindi nga siya nai-tandem kay Lola Nidora (Wally Bayola) at lately kay Alden Richards.
Unang sumikat si Maine  sa paggawa ng Dubsmash, isang mobile app na pwede kang gumawa ng mga selfie videos kung saan ili-lipsync mo ang mga kanta o kaya naman ay mga linya sa pelikula.
Binansagang ‘Queen of Dubsmash’ dahil sa mga kwela nyang mga video, partikular na ang pag gaya sa TV host na si Kris Aquino, si Maine ay natagpuan lamang ng staff ng longest running noontime show sa Facebook.
Di akalain ng aspiring flight attendant na ito na ito pala ang magiging susi sa kanyang pag sikat.
“I didn’t think I’d get offers to appear on TV shows…people must have really enjoyed my videos.” chika niya sa Inquirer Entertainment.
Ikinagulat na lang din ito ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, na ngayon ay laging nakaabang tuwing tanghali sa show ng Eat Bulaga.
Nasa edad 20 pa lang si Yaya Dub at wala raw talaga siyang balak pumasok sa showbiz.
“I was afraid people would laugh at or poke fun of me if they found out I wanted to be an artista.”
Di lang basta simpleng Reyna ng mga Dubsmash si Maine.  Nagtapos siya sa De La Salle-College of Saint Benilde nitong Pebrero ng kursong Hotel, Restaurant and Institution Management.  Hindi lang yon, nag-major din siya ng Culinary Arts at nag-intern ng anim na buwan sa isang resort sa New York.
Pero nais talaga nyang maging flight attendant bago siya inalok na mag-join sa Eat Bulaga.
Kwento pa ni Maine na malaking bagay o tulong ang Dubsmash videos niya sa instant sikat niya.
Gayunman, kailangang maging maingat pa rin ang bawat isa sa social media.
“Social media has become an intrinsic part of teenaged life” paliwanag nya. “We can learn a lot from social media, but there is also a downside. We can find almost everything online, but there are also things that are not suitable for young people. We should always be careful of the information we get online -whether we should believe it or not.” –Isinalin sa Filipino ni Djan Magbanua

Read more...