Leni Robredo at Gov. Vi sinabing hindi sila tatakbong VP

atevi
KAPWA sinabi kahapon nina Batangas Gov. Vilma Santos at Camarines Sur Rep. Leni Robredo na wala silang balak na tumakbo bilang bise presidente sa 2016.
Ito’y matapos namang dumalo sina Santos at Robredo sa luncheon ng Liberal Party (LP) para sa standard bearer nito na si Interior Secretary Mar Roxas sa Gloria Maris sa Greenhills, San Juan.
Kasama pang nakaupo ni Roxas sina Santos at Robredo sa iisang mesa.
Samantala, sumulpot naman si Pangulong Aquino sa luncheon sa kabila na wala ito sa orihinal niyang iskedyul.

Read more...