30M jackpot sa Grand Lotto 6/55 nakuha sa Bataan

Sa Bataan tumaya ang nanalo ng P30 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola Lunes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Orani, Bataan.
Siya ang nag-iisang nakakuha sa mga numerong 25-30-14-07-10-19. Umabot sa P17 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P12,900 ang 66 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P260 naman ang 2,587 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya (P20) ang 29,360 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...