Pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division si Sen. Jinggoy Estrada na makalabas ng kanyang kulungan kagabi.
Si Estrada ay dadalhin sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan alas-10 ng gabi mula sa kanyang selda sa PNP Custodial Detention Center sa Quezon City.
Mananatili siya sa ospital hanggang alas-5 ng hapon sa Huwebes.
“For humanitarian considerations, the motion is granted ver the objection of the prosecution,” saad ng dalawang pahinang desisyon.
Pumayag ang korte matapos sabihin ng PNP General Hospital na wala itong kagamitan para sa Stress Echo, Pulmonary function test at Endoscopy examination.
Ang lahat ng gastusin ay babayaran ni Estrada, ayon sa korte.
Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng pagtanggap umano niya ng kickback mula sa mga non government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang pork barrel fund.
Jinggoy pinayagang lumabas para makapagpagamot
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...