Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyo na may international name na Soudelor ay isa ng super typhoon.
Ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 215 kilometro ang bilis at pabugsong 250 kph. Umuusad ito sa bilis na 20 kph pakanluran-hilagang kanluran.
Kahapon ang bagyo ay nasa layong 1,855 kilometro sa silangan ng Luzon. Ngayong araw ay 1,400 kilometro sa silangan ng Calayan Island at bukas sa layong 850 kilometro sa silangan ng Itbayat, Batanes.
Sa Sabado inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo na hindi umano daraan sa kalupaan.
MOST READ
LATEST STORIES