SINABI kahapon ni Sen. Grace Poe na walang namang siyang natatanggap na direktang imbitasyon mula sa Liberal Party (LP) para maging ka-tandem ni Interio Secretary Mar Roxas sa 2016 presidential elections.
“Mahirap namang magsabi kasi wala naman talagang imbitasyon,” sabi ni Poe.
Idinagdag ni Poe na sa medi a lamang ang ginagawang panliligaw ng LP sa kanya.
Iginiit naman niya na sa kabila nito, hindi naman siya na-prepressure.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Aquino na kumpiyansa siya na papayag si Poe na maging bise presidente ni Roxas matapos na iendorso ang kalihim bilang standard bearer ng LP.
“Alam mo ang sinasabi natin dito, lahat tayo ay dapat magbigay ng sakripisyo. Ang pagtakbo po ay ‘di po yan madali; isa pong sakripisyo ‘yan kung tutuusi,” ayon pa kay Poe.
Idinagdag ni Poe na pinag-iisipan pa niya kung tatakbo siya sa 2106.
“Ang dapat lang namang konsiderahin dito ay kung ano sa tingin ko ang maibibigay ko sa ating mga kababayan,” aniya. Inquirer.net