Tutuloy sa pagtakbo sa 2016 elections sina Sen. Grace Poe at Sen. Francis Escudero.
At ayon sa pangulo ng Nationalist Peoples Alliance na si Isabela Rep. Giorgidi Aggabao gagamitin nila ang makinarya ng kanilang partido sa buong bansa upang sila ay manalo.
“I forsee, and I’ve been told that the proclamations would be made by about September. Nearly all of the NPC members do favor the candidacy of Sen. Poe and Sen. Chiz,” ani Aggabao.
Ayon kay Aggabao magbabago lamang ang posisyon ng NPC kung hindi tutuloy ang dalawa na malabo umanong mangyari.
“From what I gathered, Sen. Poe has fixed her mind to run as the president, I also gathered that is immutable that they’ll be running as president (Poe) and vice president (Escudero),” saad ng solon. “If Poe decides not to run, I imagine that the NPC would support Mar (Roxas).”
Nilinaw naman ni Aggabao na nananatili silang kaalyado ng Aquino government at nais nila na maipagpatuloy ang tuwid na daan nito “but flourish under a Poe-Escudero leadership”.
Sinabi ni Aggabao na maaaring tumakbo si Poe at Escudero na independent at hindi sasanib sa NPC.
Pareho umanong magaling si Poe at Roxas subalit mahalaga umanong tignan ang resulta ng mga survey.
“Polling numbers change, but when a party is confronted with a situation on who to support, polling numbers would play a great role given that both candidates, for example, are sincere, have integrity and both candidates are qualified,” dagdag pa ni Aggabao.
READ NEXT
Palasyo sinabing mga estudyante ng Cavite State University pinilit dumalo sa TSONA ni Binay
MOST READ
LATEST STORIES