INAKUSAHAN kahapon ni Palasyo ang kampo ni Vice Presidente Jejomar Binay na pinilit ang mga mag-aaral ng Cavite State University na dumalo sa kanyang True State of the Nation Adress sa Indang Cavite matapos umanong magpalabas ng memo kung saan inatasan ang mga opisyal ng paaral na padaluhin ang mga estudyante sa TSONA.
Sinabi ni Presidential Spokesposperson Edwin Lacierda na taliwas ito sa pahayag ng tagapagsalita ni Binay na si Joey Salgado na isang karangalan ang pag-imbita ng state university kay Binay.
“To provide context to my response: Oh you mean it was such a huge honor for Cavite State University to invite Vice President Binay that the memo failed to mention him as the Honored Guest Speaker and instead just called it a “Student Assembly?” Mr. Salgado, pasensya na po, hindi po mangmang ang mga tao, at mawalang galang na po, palpak na nga po ang TSONA ni VP Binay, palpak na naman ang katwiran ninyo,” sabi ni Lacierda.
Idinagdag ni Lacierda na isang memoandum ang inilabas ni Cavite State University President Divina C. Chavez na nag-aatas sa lahat ng college dean na padaluhin ang mga estudyante sa student assembly ganap na ala-4 ng hapon bagamat hindi naman binanggit na ito ay TSONA ni Binay.
“All 3rd and 4th year students are required to attend the said activity. Kindly excuse from their classes those who will participate in the said event. Attendance shall be checked by CSG officers.For compliance,” ayon umano sa memo ni Chavez.
Ito’y matapos banatan ni Binay si Aquino sa kanyang TSONA kung saan maging ang pambato ng administrasyon na si Interior Secretary Mar Roxas ay pinaringgan din.