Pati raw Eat Bulaga ginagamit sa pagresbak sa mga kaaway
SA ginagawang pagpatol ni Sen. Tito Sotto sa mga detractors niya, lalo lang tuloy siyang nadidiin, patuloy lang siyang kinukuyog at talagang hindi siya tatantanan ng mga naniniwalang mangongopya lang siya sa speech ng mga kilalang personalidad.
Hindi rin naming nagugustuhan na pati ang noontime show nilang Eat Bulaga sa GMA ay tila nagagamit din niyang venue para resbakan ang mga nanunuligsa sa kanya, in his very own sarcastic manner.
Kung hindi siya sana senador, baka maintindihan pa namin siya, pero naman, bilang isang taong nasa mataas na posisyon sa gobyerno, parang uncalled for na ang pagiging “patola” (read: palapatol) niya.
Kahit ang Pinoy Henyo portion ay mapapahiya sa kanya.
Given na ‘yung sasagot for him ang mga kasama niya sa show, pero dahil hindi naman sila mga politikong halal ng bayan, showbiz lang ang dating nu’n sa tao kaya normal na panoorin lalo na yung pagtataray halimbawa ni bossing Vic Sotto o ang pagpaparinig ni Joey de Leon.Sana naman ‘yung mga namamahala sa opisina ni Sen. Sotto sa Senado ay mas maging maingat sa mga pinaggagagawa nila para sa kanilang boss.
Kung tutuusin sila nga ang dapat sisihin kung bakit nalagay sa alanganing posisyon ngayon ang senador, di ba?
Sa mga nangyayari ngayon at sa paraan ng pagsagot ni Sen. Sotto sa issue, marami tuloy ang naniniwalang may mga nakatago nga silang kamaldituhan o kapangitan ng ugali bilang mga tao.
Sey nga isa sa mga masugid na sumusubaybay ng Walang Hanggan teleserye, “Sa sobrang galing umarte ni Helen Gamboa (asawa ni Sen. Sotto) bilang si Margaret, aakalain mong kontrabida siya sa totoong buhay.”
Hala, hindi kaya ganu’n na rin ang tingin ng marami ngayon kay Sen. Tito Sotto?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.